'Dati Sumasabit Pa Ko sa Jeep': A Candid Q&A with Ronald Ventura
.jpg)
“Simple lang ako noon eh,” Ronald Ventura says. “Dati sumasabit pa ako sa jeep.”
How far the artist has come. Today Ventura isn’t only a Filipino powerhouse; he’s a global art superstar. Who can forget how he burst onto the international art scene when his “Grayhound” fetched what was then a record price of $1.082 million (about P47.1 million at the time).
Ten years later, he followed up with an eye-popping auction price of $2.5 million (P123.3 million) for his “Party Animals,” which was sold by Christie’s Hong Kong.
Since then Ventura’s star has only shone brighter. This month, the artist has an exhibition entitled Beastmaster, which is presented by Salcedo Auctions’ gallery arm, Salcedo Private View.
Ronald Ventura
.jpg)
Ahead of the show’s opening, Ventura opens up about his formative years, how he developed his skills, and his interests outside of art, among many other topics. Excerpts:
ALSO READ
See Ronald Ventura's Unique Car and Trunk Show Happening Now at Secret Fresh
You Need to Check Out a Rare BenCab and Ronald Ventura Collaboration
May naghula ba sa 'yo na magiging sikat ka na artist?
Sa dami ng manghuhula, syempre ‘pag kaharap mo, sasabihin, “Ah, magiging ano yan … sikat.” Para ka namang hindi Pinoy.
A common observation from people you’ve met is about your hands; para daw kamay ng babae.
Dati kasi akong babae! (Laughs) Ibig kong sabihin, yung traditional na gawaing babae ginagawa ko dati. Naghuhugas kasi ako ng pinggan. Nuong maliit pa ako, bago ako makaalis, for example, pupunta ng art workshop nung grade five ako, kailangan malinis ang bahay. We have to clean the dishes, the floors, the bathrooms. Pagkatapos nun, sasabihin ko, “Mommy, tapos na ako. Aalis na ako.” Kailangan yung responsibility mo sa bahay asikasuhin mo muna before you go.
Alam ko maglinis pero wala akong alam sa plumbing, electrical. Kasi nung high school ako, yung teacher ko sa practical arts nakita niyang magaling ako mag-drawing. So hindi na niya ako pinapasok nung mga klase sa mechanical, electrical, plumbing.
Wala din akong sports. Kasi nung nag-try ako mag-basketball, na-sprain yung daliri ko. Tumigil na ako.
Saan mo namana yung creative genes mo?
Actually, siguro kung yung mental part ang pag-uusapan, it’s from my father, who is a cook. Para sa akin, cooking is the same as composing an artwork. Because iisipin mo all the elements that you put in, and how you combine different ingredients, tapos paano yung magiging lasa. It’s the same as how you compose elements in your art. Kaya nga minsan pag nag e-explain ako, para hindi mahirap intindihin, explain mo in terms of how you cook, and how it tastes. O, di ba? Mas mahu-hook ka minsan ‘pag ang pinag uusapan ay pagkain. Mas direct. Mas physical.
I assume bata ka pa mahilig ka na sa art?
Nagkaroon ako ng massive training, kasi bata pa lang nagdro-drawing na ako. Dati nga napagalitan ako ng teacher ko sa science nung grade five ako. Sabi ng kaklase ko, “Mam, si Ventura nag dro-drawing.” Syempre nagtinginan lahat sa akin, so parang napahiya ako. Syempre, hindi ako nakikinig eh. Nung nagkita kami uli after many years, sabi sa akin ng science teacher ko, “Buti na lang nag-drawing ka.”
Syempre pag bata ka, masarap talaga mag-drawing. Kasi walang burden. Pag naging professional ka, grabe yung burden eh. Kailangan tapusin mo yan…mga ganun. Akala nila masarap magtrabaho as a painter or artist. Syempre mahirap magtrabaho, kasi lahat ng trabaho, trabaho!
"Territorial Crossing"
.jpg)
It seems na malakas yung support ng parents mo.
Syempre, yung nanay mo proud sa yo. ‘Pag ganun, kahit na papano, itatawid ka niya. Lalo na kung nakikita na yung interest mo, at nakikita na yung results ng interest mo.
How did you develop your skills?
Discipline. Importante din yung memory, kasi ‘yon lang ang susundan ng kamay mo. Kahit may kinokopyahan ka na picture, kailangan ang memory kasi a picture is flat. Pag trinan-slate mo na yan, you use your memory.
Do you look at other artists’ works?
Actually part ng learning yan eh. Kahit di mo gaano type yung trabaho, nanduon sila sa progression mo. Kailangan mo silang ma-tap. Yung bang ginagawa nila or ginawa, nagawa mo na ba? Or, ano pa yung pwede mo gawin, i-improve or i-tackle duon sa mga ginagawa nila? Exchanges din naman yan between different artists. Ang tanung lang, kung gagamitin mo siya o hindi, kung applicable siya sa yo. Pero kung minsan, unconsciously, kahit ayaw mo, lumalabas din yung influence.
Pag gumagawa ka ng art, wala kang parang game plan?
Wala eh. Kasi parang gumagawa lang naman dahil gusto kong gumawa.
"Beastmaster 4"
%20(1).jpg)
You said before na yung work mo hindi tapos until lumabas siya ng studio mo.
Yung works ko, sometimes matagal ko siya bago matapos. Kung minsan five to seven years pa bago matapos. Kasi yung layers nagche-change. Kasi kung minsan may nangyayari sa akin . Yung first year, gagawin mo muna siya. Yung second year, parang ayaw mo siya. Third year, ilalabas mo siya tapos titignan mo siya uli. Parang titignan mo rin yung dati mong sarili kung pano siya mag analyze ng work. Tapos tatanungin mo sarili mo kung pano tayo magko-communicate ngayon kung hindi siya makakasabay? So, ko-confront mo yung sarili mo. Papano mo lalabas yung work mo na yon ngayon?
Ibang-iba yung early works mo from your more recent ones.
Yung mga early works, syempre yung mga information natin regarding art, anduon lang sa mga encyclopedia, mga reference books lang. Wala pang internet nuon eh. So nanduon lang yung information mo, at nanduon lang din yung capacity mo to explore, yung visual dictionary mo. Syempre, ma-a-adopt mo din yung classical, modernism…yung mga nakikita sa magazines. Magazines na print ha, hindi digital.
How did the internet affect your works?
Eventually of course, nung dumating yung internet, ang daming information from all over the world na available with just a click. So naging mas broad na yung source mo. Malaking difference ‘yon from the past decade. Naging iba yung set ng art with the start of the digital era. Marami nang progression na nangyari.
Ngayon, sa sobrang dami ng information, mahirap siyang i-digest. So ngayon, the problem, or challenge and the excitement comes from producing something with all that information. Paano mo ipapakita yung individuality in an environment like that? Yan yung mga questions and challenges na kailangan mong harapin sa situation ng art. At the same time, sa pangkalahatang sitwasyon na din.
Every now and then, may makikitang ibang strategies sa bawat medium. Nagkakaroon ng pagkakaiba as you redefine or refine an image itself. Nawawala yung sense ng time, or kino-connect mo yung past. Marami na siyang moments.
Hindi ka natatakot na lumabas sa comfort zone mo? May iba kasi na kung saan sila sanay, or comfortable, doon lang sila.
Ah..personality na nya yon. Hindi mo siya pwede i-compare or i-label. Every individual has his or her own limits and progression. Mas maganda kung makita mo yung individuality. How the environment affects them, yung analysis nila, how they perceive objects, how they calculate compositions.
Lahat naman yan—cars, bags, a stone, shoes, et cetera—objects yan sa paningin ng artist. Pero nagkataon lang meron tayong iba-ibang basehan, or yung tinatawag na levels of values and interests.
Beastmaster 2
%20(1).jpg)
What is your advise to young artists?
Depende. Tatanungin ko muna siguro, ano ba ang gusto mo? Maging famous artist? Successful artist? Respected artist? Siguro lucky ka na lang talaga kung makuha mo lahat yon.
Do you enjoy the research part of your practice?
Kailangan mag-enjoy ka. Ako kasi, mas interested ako kung paano nila na-develop yung mga style nila. Kahit hindi mo sagutin yon, makikita mo sa trabaho nila yung background. Halimbawa si [Pablo] Picasso, makikita mo yung African influence sa ibang works niya. Si Jeff Koons naman, yung mga cartoon characters. So makikita mo kung saan siya nanggaling, at kung paano siya nag-come up with a concept or idea.
Minsan, yung artwork mismo ang nagsasabi sa ‘yo, o, ganito ka noon. Eto yung mga influences mo. Eto yung mga na-encounter mo during that time na ginagawa mo yung piece. As much as possible, gusto ko honest ako. Kasi wala ka namang lalabas sa sarili mo kundi ikaw eh. Ayoko ko naman magsalita na hindi ko alam. Maski mahirapan ako i-explain sa yo, ma-e-explain ko art ko.
Some say na mataas na presyo mo?
One time, kino-compare yung price ko (with another artist). Mas mataas pa daw yung presyo ng works ko kaysa sa kanya. Sabi ko naman, eh sya, sandali lang ginawa yan eh. Mga three days tapos na yan eh. Pero yung gawa ko, isang linggo.
Mahilig ka din sa fashion. Noon pa ba yang interest mo sa clothes, shoes, et cetera?
Hindi. Simple lang ako noon eh. Dati sumasabit pa ako sa jeep. Nung nagtuturo ako, ganun. Baha, umuulan, sabit ka…ang init, pawis ka. Grabe.
Would you say that you benefited from your years of struggle?
Maganda siyempre na na-experience ko na yung pinaka-worst. Ano pa yung worst na bibigay sa akin, eh nadaanan ko na halos lahat? Alam mo ba sa Malabon, pag nagbaha duon, parang baha na ang buong mundo. Hindi ka na makakaalis. Magluluto ka, hindi sa ground floor kung ‘di sa second floor. Kasi kalahati ng bahay mo lubog na eh. So, aakyat ka sa bubong, duon ka magluluto. Pero syempre, happy. Kasi ‘pag bata ka, excited ka na kakain ka sa bubong.
Untitled
.jpg)
Ngayon you can indulge in your favorite things. What do you like?
Nagko-collect ako ng mga shoes, suits, jewelry. Yung shoes, talagang nagko-collect ako, pero hindi ko sinusuot. Tingin ko kasi sculptures sila eh. Tulad yung mga (luxury French fashion house (Maison) Margiela, may mga metal patches yon. Hindi mo masusuot, kasi ang bigat! So dini-display ko lang.
Sa fashion, ikaw yung susunod doon sa mga objects. Katulad sa mga babae, yung stilleto…hirap sila maglakad, pero matre-train ang paa mo paano ka maglakad. Talagang binibigyan ka nila ng lifestyle na iba sa usual na lifestyle mo. Kamukha nung mga suit ng Dior…pucha, di ka makaka-suot dati ng Dior na maluwang. Hello! Ngayon naglabas na sila ng mga loose dahil sa street fashion.
Anong galleries ang nagbigay sa ‘yo ng break?
Actually, importante yan eh. West Gallery tsaka Drawing Room. Ni-recommend ako noon sa Drawing Room ni Antonio Austria.
I presume you also collect art?
Nagko-collect ako, local and international artists. [Andy] Warhol, [Robert] Rauschenberg, [Roy] Lichtenstein, prints ni [Pablo] Picasso, [Takashi] Murakami. Para ‘pag nagkaroon ako ng museum, may isang part dyan na foreign artists. Sa local artists I have Patty Eustaquio, Elaine Navas, Maria Taniguchi, Annie Cabigting..may Chabet ako, Manuel Ocampo, Gaston Damag. Dati nag-collect din ako ng antiquities, mga bulol.
What’s your advice to collectors?
Dapat ‘pag nag-collect ka, dapat alam mo syempre yung history ng artist. Pero syempre, unang-una dapat gusto mo yung work. Ngayon yung gusto mo, kailangan mong pag-aralan. Mamaya yung gusto mo, bawal pala sa yo. Para din yang food, na may bawal. Paano kung yun palang collection mo, junk. Pero kung minsan, gusto mo din naman ng junk…masarap eh. (Laughs)
Alam mo ano ang isang problema, pag kumuha ka ng isang art, lalagay mo sa bahay. May mga works na nagpapa-tanda ng bahay. Hindi ma-a-appreciate ng mga mismong anak niya or ng mga magiging apo. So kunwari naglagay ka ng isang Amorsolo sa bahay mo; tapos ka na, di ba? Kailangan dyan meron ka ng narra. May santo ka o may Filipiniana ka na…BenCab…alam mo yon?
Yung presence ng art, nagbibigay ng status mo, kung sino ka, anong taste mo, kung kaya mong tanggapin. Hindi sa nagdi-discriminate ako, ‘no. Pinapakita ko lang yung reality ng magko-collect at nang magho-host doon sa artwork. Kaya hindi mo masisisi na yung mga old works, mga modern works na iba, na talagang lumakad pa. Kasi yung followers niyan, anduon sa era na yon eh. At hindi yan ma-a-appreciate ng mga bago na magko-collect. So ngayon, nasa sa ‘yo iyon, kung ano ang gusto mong tingin sa yo. Di ba?
Beastmaster 6
%20(1).jpg)
You get invited a lot by your collectors, I heard. But as you said, you prefer staying home or working in your studio.
Yung artist, or yung painter, hindi lang magpinta yung ginagawa, di ba? I wash my cars, inaayos ko studio ko, nag va-vacuum ako. Minsan nag a-alaga ako ng bata, or pupunta ako sa mga relatives ko. Ordinaryo lang naman tayo.
For the show at Salcedo Private View, parang may works ka na dark, meron din na mukhang fun or whimsical. Like the winged ox, the monkey with the tiger.
Yung winged ox, sa Catholics, symbol siya ng mga evangelists. Andun yung mga symbolisms. Sometimes I play with the symbolisms or Christian beliefs. Nakita ko yung sculptures of the saints with winged animals sa Venezia. So these experiences come back to you, and you revisit that. Then you can redefine the image of that particular object and express it in a more current way.
Yung head ng monkey sculpture naman was inspired by the Bored Ape NFT, but in a cubistic structure. Nilapat ko doon yung layers na may kinalaman sa cartoonic form. The monkey is watching the street scene, with a tiger na parang sidekick niya. Pag tinignan mo yung monkey, para siyang ranger, pero nasa city.
Ayoko naman na yung work ko masyadong puro drama. Pinapatay ko kung minsan yung drama. Para may humor, which is very Pinoy.
“Beastmaster” runs from Oct. 25-November 9, 2022, with previews from Tuesday to Saturday, 9AM to 5PM at the main gallery of Salcedo Auctions (NEX Tower, 6786 Ayala Avenue, Makati City). The online catalogue is available at salcedoauctons.com. For inquiries, email [email protected] or phone +632 8 8230956 | +63 917 591 2191. Follow @salcedoauctions @gavelandblock on Instagram and Facebook for updates.