Senator Risa Hontiveros Is Seeking a Senate Probe on the Alleged Abuses at Philippine High School For The Arts

"Educational and training institutions should be our children’s safe spaces. Walang puwang dito ang mga mapang-abuso."
Ito ang pahayag ni Senator Risa Hontiveros sa balitang talamak diumano sa Philippine High School for the Arts (PHSA) ang mga insidenteng pang-aabuso sangkot ang ilang teaching at non-teaching staffers.
Ang PHSA ay government-run boarding school para sa mga estudyanteng nag-e-excel sa theater arts, dance, music, creative writing, at visual arts. Matatagpuan ito sa kabundukan ng Mt. Makiling sa Los Baños, Laguna.
Umapela si Hontiveros na magkaroon ng Senate probe hinggil sa mga reklamo ng grupo ng students at alumni ng PHSA.
THE ALLEGED SEXUAL ABUSE COMPLAINTS
Diumano, marami sa mga nagpakilalang students at alumni ang nakaranas ng sexual abuse o harassment habang nag-aaral sa PHSA.
Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong June 24, 2022, unang nagsalaysay si Jerom Canlas ng dinanas niyang harassment sa kamay ng kanyang "theater director" na kaugnay sa PHSA.
Si Jerom ay kapatid ng aktor ding si Elijah Canlas.
Read: Jerom Canlas uncovers sexual harassment in theater industry to protect brother Elijah Canlas
Sa ulat ng Vice Asia News noong June 28, 2022, detalyadong isinalaysay ni Jerom at iba pang biktima umano ng pang-aabuso ang kani-kanilang karanasan noong sila ay menor de edad.
Nanawagan din ang mga nagpakilalang biktima ng pang-aabuso na gawan ng karampatang aksyon ng PHSA ang mga reklamo kaugnay ng isyu.
Sinasabing marami sa mga reklamo ang napasawalang-bahala umano dahil sa "bureacratic" na sistema ng komite ng PHSA na pinagpapasahan ng mga reklamo ng estudyante.
HONTIVEROS ALARMED BY ALLEGED NEGLECT OF PHSA ADMINISTRATORS
Kasunod nito ay nanawagan si Hontiveros na imbestigahan ng Senado ang aniya'y nakakaalarmang isyu.
Noong July 13, 2022, opisyal siyang naghain ng resolusyon sa Senate Committee on Women, Children, Family and Gender Relations para rito.
Layunin nitong magkaroon ng "safer spaces for children in all educational and training institutions" alinsunod sa Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act.
Idiniin ni Hontiveros na tungkulin ng gobyerno na magpatupad ng "legislative, administrative, social, and educational measures" para bigyang-proteksiyon ang mga menor de edad sa anumang uri ng pang-aabuso mula sa kung sino mang nangangalaga rito.
Sabi pa ni Hontiveros sa kanyang resolusyon, kahit hindi maghain ng formal complaint ang isang sexual abuse survivor, maaaring kusang mag-imbestiga ang school authorities sa oras na mapag-alaman nila ang detalye ng insidente.
Naalarma raw si Hontiveros sa nabasang ulat ng Vice Asia News sa reklamo ng complainants na hindi umano naaksiyunan ng PHSA ang kanilang mga reklamo dahil sa masalimuot na investigation process ng paaralan.
Within "ten days or less" ay nakapagdesisyon na raw dapat ang school heads kung ang isang insidente ay dapat imbestigahan.
"Even worse, survivors of abuse claim to have been victim-blamed, silenced, and neglected by the PHSA administrators," ani Hontiveros.
Dagdag niya sa resolusyon, "If the accounts are accurate, the repeated failure of PHSA administration to address the violence and abuses is a blatant violation of the Safe Spaces Act and a flagrant disregard of the interests of PHSA students – interests they are duty bound to protect and promote as persons reposed with special parental authority."
Sa kabilang banda, noong July 6, 2022, naglabas ang PHSA ng opisyal na pahayag na "unfair" ang mabansagan ang paaralan na "haven for abuse."
Mayroon daw sapat na rules at mechanisms ang management ng paaralan para siguruhing ligtas ang mga estudyante nito.
Bukas din daw ang kanilang tanggapan sa mga nais maghain ng reklamo, pero ipinaalala rin ng PHSA na may sinusunod daw silang "format" alinsunod sa Civil Service rules.
More: Philippine High School for the Arts breaks silence on "haven for abuse" allegation
Noon namang July 11, 2022, pormal na inutos ni Vice President Sara Duterte, na siya ring Department of Education Secretary, sa National Bureau of Investigation na imbestigahan ang alleged abuses na inireklamo ng grupo ng PHSA students at alumni.
Sinabi sa official statement ng DepEd na nakikipag-ugnayan ito sa PHSA hinggil sa isyu.
From: PEP.ph