This year marks the 10th anniversary of Esquire Philippines. What better way to celebrate than with our annual Man at His Best (MAHB) event. This year, we honor 10 heroes and mavericks from the worlds of film, music, business, art, sports, politics, and more. These are men and women who have inspired us through their work, achievements, and advocacies. Â
We present Esquire’s Advocate of the Year, Angel Locsin.Â

Ang mga kababaihan, kapag nilagay mo sa mainit na tubig, pag pinakuluan mo, mas tumatatag, mas tumatapang, mas tumitibay. Hindi sila lumalambot, kumbaga. So for me, kahit sinong kababaihan ang ilagay mo sa difficult situations, magsha-shine.
Pakiramdam ko lang bilang isang babae, sino bang mas better to represent itong mga kababaihan kung hindi babae lang din naman talaga. So bilang kapwa babae, it’s our obligation, tayong mga babae, to speak up, to fight for other women. Ang women empowerment, though nasa [2021] na tayo, meron at meron pa rin tayong mga kailangan i-correct.Â
We’re just encouraging other women to speak up, na ‘di kayo nag-iisa. Kung meron man kayong experience na hindi maganda, wag kayong matakot kasi marami kayong malalapitan at maraming makikinig sa inyo. Walang manghuhusga.
I’m so blessed na nagkaroon ako ng characters na empowered. Kung hindi man siya empowered, gagawa ako ng paraan para maging empowering yung character ko. ‘Yung typical na characters sa mga pelikula na sila yung nire-rescue, sila ‘yung mga nandiyan lang for decoration…ang boring. Parang hindi siya totoo. Hindi ganun ‘yung mga kababaihan na kilala ko. So I’m just blessed na ‘yung mga naka trabaho kong mga writers [and] directors [are] progressive din. Alam mo ‘yun, bukas ang pag-iisip nila.
Ang pinaka-memorable sa’kin is Mulawin, kasi ‘yun ang pinakaunang tumatak at nakilala ako (doon). Nagpatibay sa’kin ang Darna. Pinaka-latest ko is The General’s Daughter. Isa ‘yun sa pinakamasayang teleseryeng nagawa ko.
You know I’m so blessed na naka-trabaho ko si Vilma Santos. Napaka-perfect example siya kung sino ba ang dapat nating tingalain sa industriya. Sina Tita Amy Austria, nanay ko siya sa Mulawin. [Si] Direk Gina Alajar. [Si] Ms. Maricel Soriano, ang galing-galing niya talaga. [Sila] yung mga nakasama kong artista na na-inspire talaga ako.
Noong umpisa, iisipin mo lang talaga na ‘it’s work.’ Nandito ka lang talaga para kumita eh. Kalokohan yung ‘for the craft,’ sa umpisa. Parang kailangan mo muna magtrabaho eh, kailangan mo muna kumita. Then pag nahanap mo na ‘yung pagkakakitaan mo… pagpursigihan mo yung craft, ‘di ba. I don’t know sa iba kung may budget naman sila for that, sige, for the craft, pero pag nagsisimula ka pa lang talaga, it’s for money para makatulong ka sa pamilya mo.Â
First talaga na magi-influence sa isang tao ay ‘yung magulang niya eh, whether inalagaan ka nang mabuti or hindi, sila yung magiging role model mo. I’m very blessed na yung mga magulang ko ay pinalaki ako nang maayos at nakatutok sa’kin. Hindi kami galing sa mayamang pamilya pero nabuhay ako ng pamilya ko. Nakapag-provide sa’kin ang pamilya ko at nasuportahan ako sa lahat ng mga gusto kong gawin. So pamilya talaga, especially my father. Kahit noong hindi pa ko artista, he’s there, since day one. Swimmer pa lang ako noon, nandiyan na talaga siya nagbabantay sakin.
Yung pagiging celebrity, minsan bad trip eh. Yung artista okay lang, (kapag) artist masaya, (pero) kapag celebrity, ibang usapan na yun. Nandiyan na yung siyempre kailangan mong tanggapin na may issues na papasok, yung mga bagay na di mo akalaing papakialaman about your personal life, but wala eh, public figure ka daw, so dapat open kang ma-bash. Hindi ko kasi maco-control kung paano mag-isip ang ibang tao. That’s their opinion, that’s their right. Lahat naman tayo may kanya-kanyang isip. So mas tinitignan ko na lang yung ano ba ang opinyon ko sa sarili ko. Nakakatulog ba ko sa gabi? Tingin ko ba na tama pa ba yung ginagawa ko? Importante sa’kin yun and then, second, yung opinyon ng mga mahal ko sa buhay.
Isa sa pinaka ina-advocate ko talaga is volunteerism. Mula nang ginawa ko ‘yun, I think ang laki na nung nagbago. Mas marami nang aware na tao ngayon. Mas marami nang nagvo-volunteer. Kaya nakakatuwa ‘di ba na buhay na buhay ang volunteer spirit sa’ting mga Pilipino. Sana hindi ma-saturate, alam mo ‘yun, kasi minsan may pagod factor.
I’m Angelica Colmenares lang naman ‘di ba. Kapag may ginagawa ako (para makatulong), hindi ko naman iniisip, ‘O dapat as Darna ako dito,’ or, ‘Superhero ako ngayon,’ or, ‘Eto magliligtas ako, tutulong ako sa tao.’ Wala naman akong ganung mindset. Ginagawa ko yung obligasyon ko bilang tao. I think nahi-highlight lang kasi artista nga ako pero napakaraming Pilipino na tumutulong sa kapwa. Buhay na buhay pa rin yung Bayanihan spirit sa’tin na likas sa ating mga Pinoy noon. Kung anuman yung nagagawa ko, naniniwala akong meron pang ibang mas grabe ang ginagawa na kailangan ma-highlight din para mas maraming ma-inspire na mga tao. I’m just using my platform. Meron lang akong sapat na platform na napapanood ako ng mga tao, naririnig ako ng mga tao, pinapakinggan ako ng mga tao. Masuwerte lang ako na mayroon ako nun.Â
Nagsimula kasi tayo sa pamilya, mas maiintindihan nating di tayo nag-iisa sa mundo. Later on, mas lalawak ‘yan. From your family, to community, hanggang sa mas dadami nang dadami ang magiging parte ng buhay mo. Siguro I think ganun lang yung nangyari sa’kin. Nag-focus ako sa family ko tapos parang na-realize mo na hindi ka lang nag-iisa, hindi lang ito yung mundo mo, mas malaki pa yung mundo na nangangailangan din ng suporta, kalinga, tulong, (at) atensyon. Nilawakan ko lang.
Ever since I was a child, elementary days pa lang, I’ve hated bullies. Sobrang hate na hate ko yung mga bullies na ‘yun. Lagi akong sinasabihan ng tatay ko na parang, ‘Wag ka magpapabully,’ or ‘Wag mong hahayaan na may ma-bully. Kapag may nakita ka na parang binubully, either i-call out mo yung bully, pigilan mo, o tawag ka ng teacher. Kung may tingin akong hindi magandang nangyayari, parang hindi naman tama na hindi tayo sumuporta or mangialam dito or bigyan ng tulong ‘yun di ba. Â
Actually, may nabasa nga ako kanina na article sa Philadelphia na parang mayroon yatang na-rape sa subway. Paano nangyari ‘yun? Siguro may sampung taong nandoon. Wala man lang tumulong. Walang tumawag sa 9-1-1. Nag-take pa ng video at saka pictures. ‘Di (nila) pinigilan. Kung mayroon lang sigurong isang tao dun na nagmalasakit, na sitahin, di naman siguro matutuloy yung rape eh. So yun yung sakin na parang ang laki ng magagawa mo para i-prevent yung mga injustice kung ‘di ka tatahimik. Alam mo ‘yun; kung mangialam ka. Ginagawa ko lang yung parte ko. So sana lahat tayo maging ganun.Â
You know what the best part is? Yung makikita mo mismo yung situation ng mga tao. Makikita mo sa mata nila kung ano yung pinagdadaanan nila para hindi lang yung sarili mo, hindi lang yung surroundings mo yung alam mo. Makikita mo rin yung mundong ginagalawan ng ibang tao. Mas aware ka sa mga pinagdadaanan ng iba. Hindi lang yung sa’yo. (Hindi) porket ‘di ka apektado, wala ka nang pakialam, ‘di ba. So para sa’kin, isa yun sa mga best part pag nag vo-volunteer ako. Mas nakikilala ko yung mga ibang tao, mas lumalawak yung mundo ko.
Ngayong pandemic, napakahirap na (pumunta) sa isang lugar. Dati kasi ang laki ng epekto na hawakan mo lang yung kamay, mayakap mo, tanungin mo lang kung kumusta (sila), mata sa mata. Ngayon ‘di mo na pwedeng gawin ‘yun eh. I crave human connection. Madaling magpadala ng pera at ng relief goods. Napakadali nun eh, pero yung mapuntahan mo talaga yung tao, para maramdaman nila na may nagmamalasakit, na ‘di sila nag-iisa, na nandiyan ka para sa kanila talaga, nami-miss ko ‘yun. Nami-miss ko ‘yung mga bagay na yun.Â
Malapit kasi sa akin ang Marawi kasi ang mommy ko ay adopted ng isang Muslim. Alam ko kung gaano kayaman ang kultura ng Marawi at nakakalungkot ‘yung gulong nangyari doon. ‘Yung hundreds of years of culture doon, ‘yung mga bahay nila na may mga magagandang disenyo na unique sa lugar nila, ‘di na natin makikita ‘yun. ‘Yung mosque nila nasira. ‘Yung mga bahay nila na hanggang ngayon hirap na hirap silang balikan kasi ‘yung trauma sa kanila ‘di ba. So ‘yung mga ganung bagay, mare-realize mo kung ano ‘yung epekto ng war, kung sino yung nagsu-suffer talaga. It’s the ordinary citizens, it’s the ordinary people.
Ang main concern ko maliban sa sarili ko, iniisip ko kung paano yung mga taong nandoon. Sana okay lang sila. Pero kita mo, kita mo yung usok, kita mo yung mga baril. Nagshe-shake yung ground ‘pag may bomba talaga. Yun pa lang yung naramdaman ko. Paano pa yung mga taong nandoon mismo, ‘di ba? Mahirap i-summarize yung experience eh, pero ang dami kong natutunan noong araw na ‘yun.
Better kung walang publicity. Mas makakakilos ako. ‘Di ko naman ginagawa para sa opinyon ng ibang tao. Para sa akin din kasi, kung tumutulong ka sa iba, tumutulong ka rin sa sarili mo. Ginagawa mo lang ‘yung duties mo bilang tao at kapwa Pilipino.
, sana sa magandang bagay naman. Bukod sa craft na mahal na mahal ko talaga, sana maalala rin nila ako as a person. Sana ‘di lang ako maalala as Angel Locsin the actress, kung hindi Angel Locsin na kahit papaano ay nakatulong o nakapagbigay ng ngiti sa buhay nila. Lahat ng tao naman siguro parang bonus na kung matandaan ka pa nila after 50 years.Â
Hanggang ngayon kasi naiilang ako sa mga word Parang medyo shy pa kong gamitin yung mga ganung term kasi alam kong maraming mas karapat-dapat pa for that. Nakakahiya. Parang nanliliit akong i-claim yung word na ‘yun. Sana yung Angel Locsin na (maaalala ng mga tao), mapapangiti sila nun. Sana ganun na lang. Sana kahit papaano nakapagpakita ako ng kindness. Mas importante siguro sa’kin yung ganun. Yung naging mabait ako sa mga tao. Hindi ko (sila) namalditahan. (Laughs.)Â
What’s next? Well, bilang kaka-kasal ko lang this year, ang plano namin ni Neil kasi is tutukan ang aming pamilya. (Sana) mabigyan kami ng magandang blessing ni Lord na magkaroon na ng mga chikitings. Kung gaano ako kaswerte sa pamilya ko, gusto ko naman bumuo rin ng sarili naming pamilya. Pansin mo di ko na iniisip yung career ‘di ba, darating naman yan eh. Pero ito eh… excited ako dito sa next phase ng buhay ko.
Watch our full interview with Angel Locsin here:
In this story: Produced by MJ Pagaduan • Interview by MJ Pagaduan • Video edited by Angela Fernandez • Cover design by Warren Espejo
Man At His Best (MAHB) is Esquire's annual celebration that honors the life and work of inspiring men and women throughout the year.
Explore the Esquire Playhouse for the full immersive experience. Enter using the browser on your phone or laptop, and click the one-step log-in button to access all the exciting content hidden inside each room in the Playhouse: art, podcast, videos, and stories.Â
To keep up with everything else happening for Esquire MAHB 2021, don't forget to follow us on Facebook, Twitter, Instagram, and YouTube, as well as the hashtags #EsquireMAHB2021 and #EsquireManatHisBest.