ESQ&A

Jun Sabayton

Comedian and director Jun Sabayton gets serious on punk, growing up with activists, and his own action figure.
IMAGE Jason Quibilan
Comments

ESQUIRE: What was your childhood like?

JUN SABAYTON: Pinanganak ako sa Cebu. Nung 1987 nagpunta kami dito sa Manila. Pagdating ko sa Tondo, shocked ako kasi dikit-dikit yung mga bahay. Yung mga tita ko dito, aktibista. Namulat ako nung pagdating ko dito, may nagtatago sa bahay namin. Pag tinignan mo yung kahon, akala mo de lata ng sardinas, pero may granada pala.

ESQ: Parang lumaki ka with leftist views, pero di mo masabi na leftist ka?

JS: Parang hindi. Pero nag-LFS (League of Filipino Students) ako kasi na-curious ako. Okay naman, pero nung time na yun umayaw ako eh.

ESQ: Bakit?

JS: Mahirap kasi magsalita, pero parang tinitignan ko sila mag-rally na hunger strike—tapos sa gabi, kumakain pala sila ng Jollibee. At na-introduce na rin siguro kasi ako sa punk.

ESQ: Local punk culture?

JS: Malaking bagay yung punk culture kung bakit ako napunta sa arts. Kung pakinggan mo yung music sa punk, merong sinasabi. Yung iba galit, yung iba napaka-philosophical.

ESQ: Sino yung punk na figure na pinakaidol mo?

JS: Banda dati nila Lourd de Veyra, yung Dead Ends. Tapos The Jerks. Siyempre The Wuds, yung kay Bobby Balingit, kasi mabigat yung lyrics. May isang sinabi si Bobby, “Maraming pera, sikat na sikat, may pangalan, magarang kotse, at nakalimutan ang Diyos.” Parang ganun ang lyrics ng punk. Hindi lang siya music.

ESQ: Lahat ba ng pino-produce mo sa TV kelangan may mensahe?

JS: Minsan nakakatakot nga eh kasi baka mamis-interpret. Grabe na yung mga tao ngayon, lahat na lang critic pagdating sa social media.

ESQ: May educational motive ba yung mga pino-produce niyo?

JS: Oo, pero minsan feeling ng iba nag-aangst lang. Tayo kasi dapat magpaintindi sa mga Pilipino kasi tayo taga-luto. Kung ano yung inihain, yun yung kakainin nila. Kaya kunwari si Madonna naglabas ng pangit na song, tapos paulit-ulit na ipatugtog sa radio station, ia-absorb pa rin nila yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ESQ: Sa tingin mo may nakikinig sa inyo?

JS: Oo, kahit na mukha akong tanga. Kinuha kasi kami nila R.A. Rivera. “Sige, umarte ka.” Sabi ko, “Di ako umaarte.” Tapos sabi niya, “Yun nga yung nakakatawa eh, hindi ka marunong umarte!” Kaya kami nila Ramon Bautista, nila Tado, napunta sa spotlight. Malaki ang pasasalamat ko kay R.A. Genius siya eh, yung comedy niya iba, napaka-avant garde. Sinasabi nila high art pero sobrang masa lang talaga. Siya yung underrated director sa generation namin, pero ang laki ng influence niya.


"Naiinis ako sa artist na sinasabi na, 'Artist ako eh, nagugutom ako eh.' Artist ka nga, kaya gumagawa ka ng paraan!

ESQ: Yung Facebook page mo nga halos 80,000 followers na.

JS: Si R.A. gumawa ng Facebook page namin. Idol namin sila Tito, Vic and Joey eh. Sana ganun kami.

ESQ: Pero ang laki ng influence niyo ngayon sa mga kabataan at sa masa?

JS: May lumalapit nga na mga nanonood na senior citizens, yung maraming tattoo, tinatawag akong “bayaw”. Nakakatakot nga eh. Last time sinabihan ako na lumalaki yung ulo ko.

ESQ: Ba’t ka nako-conscious na nasasabihan kang ganun?

JS: Hindi kasi totoo eh. Ayoko na ganun yung tingin sakin. Siguro nga rebelde ako. Kung pwede lang magkaroon sana ng cultural revolution sa Pilipinas para maging okay tayo. Sa tingin ko kasi dapat baguhin muna culture natin bago maging okay ang bansa.

ESQ: Tingin mo marami pang pwedeng baguhin sa bansa?

JS: Oo. Sa MRT, may nag-isnab na ate na mukhang nagtatrabaho sa Makati. Sabi ko, “Kaya po may arrow para dito po tayo dadaan. Di ba nung elementary tayo may abstract doon, yung arrows-arrows, ‘yan po yung gamit dyan.” Tapos tumatawa yung mga tao, pero seryoso ako kasi siya lang yung nasa gitna doon.

ESQ: Nakakatuwa kasi punk yung attitude mo, pero yung message mo gusto mo lang umayos ang lahat.

JS: Kaya naman nagrereklamo yung mga punk eh.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ESQ: Yung Jun Sabayton ba na nakikita sa TV ay artwork or construction lang ni R.A. Rivera?

JS: Pwedeng nailabas ni R.A. kung ano meron sa’min, kasi mabababa lahat ng self-esteem namin eh.

ESQ: Ano yung pinakagusto mo sa trabaho mo?

JS: Libre yung pagkain. Tapos yung friends, yung ideas na pinag-uusapan namin. Napaka-delusional siguro ng trabaho natin, rewarding na yung, “Ang ganda neto!” Yung binabayaran ka sa gusto mong gawin. Konti lang tayo yung napupunta sa ganun.

ESQ: What are your goals?

JS: Magkaroon ng film na ako ang director, ma-establish ako as an artist. Pinangarap ko dati ma-grant ng artist residency, pero parang hindi ako seseryosohin talaga. Ganun kasi pag Filipino comedian eh, parang hindi ka sineseryoso ng mga tao.

ESQ: Challenge ba yan sa’yo, na hindi ka sineseryoso ng mga tao?

JS: Oo, seryoso akong tao eh! Yung voice ko hindi naririnig.

ESQ: Ano yung story ng toy mo na gawa ni Louie Cordero?

JS: ‘Di ba kasama naman talaga sa marketing yung pag-gawa ng merchandise?

ESQ: Ina-acknowledge mo na isa kang brand?

JS: Naiinis ako sa artist na sinasabi na, “Artist ako eh, nagugutom ako eh.” Artist ka nga, kaya gumagawa ka ng paraan! Maraming maiinis dito, pero hindi ako naniniwala sa starving artist.

ESQ: Ano feeling mo ngayon na merong Jun Sabayton toy?

JS: Sana makabenta (laughs). Hinde, para sa anak ko rin yun eh. Parang, “Anak, eto yung ako.” Narealize ko nung namatay si Tado, parang shet, anytime talaga pwede ka mamatay.

ESQ: Ano yung pinakaimportanteng natutunan mo kay Tado?

JS: Pagiging family-oriented. At saka, huwag maging magsasaka siguro.

ESQ: Bakit?

JS: Nagtatanim kasi si Tado eh (laughs). Pero tungkol dun sa toy, parang nakakatawa lang pag pinapanood ko sarili ko sa TV, parang may ipinanganak ka nang iba. Parang object na rin talaga siya. Mahirap pala maging artista. Dati nagtampo ako kay Jessica Zafra nung 2nd year ako, kasi kumakain siya sa Megamall tapos nilapitan ko, “Ma’am fan po ako, pwede ba magpapirma?” Sabi sa akin, “I’m eating.” Ngayong nasa estado na ako, nakikita ko na yung privacy rin kasi nawawala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ESQ: Ano yung gusto mong ipamana sa anak mo?

JS: Basta maging mabuting tao siya. Kasi ako nagsa-struggle pa rin ako maging mabuting tao. Praning akong makulong, at yung mamatay sa piling ng iba. Di ba, yung isipin mo nasa motel ka tapos mamatay ka! Ang lungkot nun! Para sa mga girls, pamilyado ako, marupok ako kaya ‘wag nyo sana akong tuksuhin.

This article originally appeared in our May 2014 issue. 

Comments
View More Articles About:
About The Author
Kara Ortiga
Kara Ortiga is a writer and the editor in chief of Supreme.
View Other Articles From Kara
Comments
Latest Feed
 
Share
See the winner of the 2018 Grand Prix d'Horlogerie de Genève grand prize.
 
Share
An exchange of ideas between chefs from two very different restaurants results in an unforgettable dinner.
 
Share
Tyler, The Creator's Golf le Fleur Burlap collection is in Manila.
 
Share
Get a bottle for your dad (or for yourself).
 
Share
The big Harry Potter wardrobe took us all by surprise.
 
Share
 
Share
The agency says that it will eventually replace the need for a physical card
 
Share
Hufflepuffs should rejoice at the representation of the oddball hero of the story.
 
Share
It is possible to feel good and look smart at the same time.
 
Share
Scandinavian-made furniture and home accessories at affordable prices coming very soon.
Load More Articles
Connect With Us