50 Filipino Words Worth Reintroducing Into the Common Lingo

These Filipino words are also incredibly specific. 
ILLUSTRATOR WARREN ESPEJO

The Philippines boasts around 120 languages across the archipelago. Together, these make up the rich vocabulary of Filipinos. Filipino, itself, is one of the most colorful languages in the world. 

The following Filipino words selected from the U.P. Diksiyonaryong Filipino and Diksiyonaryo.ph are beautiful, irreverent, witty, and incredibly specific—but have fallen out of use in the common lingo. We elect them for a modern revival because let's face it, yapaw demands to be reanimated into our consciousness.

1| Budyók

Pag-udyok na sumang-ayon sa pamamagitan ng pambobola at pagsulsol

Halimbawa: “Nabudyok na naman ako dahil sa masarap na pancit na binigay niya.” 

2| Hablós 

(Cebuano): Anak sa unang asawa

Halimbawa: “Ay, iyan na ba ang hablos mo? Ang laki na niya!”

3| Húbat

beautiful filipino words
Photo by Shutterstock.

(Tausug): Hikayatin ang sinuman na hiwalayan ang maybahay

Halimbawa: “Humubat ka na sa iyong kinakasama at mamalagi sa piling ko!”

4| Dúhong 

(Sinaunang Tagalog): Maglakad nang pasuray-suray gaya ng lasing

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halimbawa: “Paduhong-duhong na umuwi si Rody mula sa kabaret.” 

ALSO READ: 

The Origins of Hampaslupa and Other Filipino Words

Dignified Filipino Words That Need to Make a Comeback

5| Ludág 

(Hiligaynon): Maglakad sa maputik na daan.

Halimbawa: “Lumudag na naman ako dahil may nagtambak ng putik sa EDSA.” 

6| Hayáhay 

(Bikolano, Tagalog): Malinis at mabangong hangin

Halimbawa: “Hayahay ang buhay.”

7| Alopakayá 

beautiful filipino words
Photo by Shutterstock.

(Sinaunang Tagalog): Hindi makagawa at makakilos dahil sa panghihinà at kawalan ng kakayahan

Halimbawa: “Bro, absent ako ngayon. Mayroon akong alopakaya.” 

8| Sikwát 

(Bikolano, Kapampangan, Sinaunang Tagalog, Waray): 

Pag-papataas o pag-aangat upang makíta ang dakong ibig makíta

Halimbawa: “Tara, mansikwat tayo ng rank sa Mobile Legends.”

9| Hádas

Kahalayan at kalaswaan na hindi pinahihintulutan sa pananalangin

Halimbawa: “Magmumog ka ng agua bendita dahil napakahadas ng iyong bibig!”

10| Haligayót

Madaling baluktutin o hubugin; Pliable, pliant

Halimbawa: “Ba’t palaging sa kanya ka naniniwala? Haligayot ka!”

CONTINUE READING BELOW
watch now

11| Talagháy

(Sinaunang Tagalog): Sariling lakas o tibay ng loob na labánan ang sakít, paghihirap, o kamalasan; Resilience

Halmbawa: “Hanggang kailan magtatagal  ang talaghay ng mga Pilipino?”

12| Umáum

Maka-inang halik at yakap

Halimbawa: “Nilapatan niya ako ng isang umaum sa noo.” 

13| Lúmog

(Sinaunang Tagalog): Pagpasok nang mabilis at marahas na tulad ng isang kalaban

Halimbawa: “Humanda ka at lulumugin kita sa bahay mo.”

14| Káhog

Pagka-pahiya dahil nahulí sa pagbabayad ng utang, pagtapos ng gawain, o pagdatíng

Halimbawa: “Pare, kahog ako kay Marites. Kanina lang ako nagbayad ng utang.”

15| Rupánget

(Ilokano): Nakasimangot o kunót ang noo

Halimbawa: “O, bakit naka-rupanget na naman ang mukha mo?” 

16| Uyóg 

(Sinaunang Tagalog): Pagsulsol upang mag-away; panggagaya upang asarin

Halimbawa: Huwag mo ngang inuuyog yung dalawa, hibang ka ba?

17| Balikotkót

Pagsusuri o muling pagsusuri upang malaman ang isang bagay

Halimbawa: “Bago ka maniwala sa mga nababasa mo sa Facebook, magbalikotkot ka muna.”

18| Yapáw

beautiful filipino words
Photo by Shutterstock.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagpatong ng katawan sa iba

Halimbawa: “Yapaw na, Babe.”

19| Amóyor

(Sinaunang Tagalog): Pagdating ng sasakyang-dagat sa daungan na wasák-wasák, walang pálo at layag dahil sa digmaan, bagyo, at iba pa

Halimbawa: “Anong akala mo sa pamamahay na ito, amoyuran? Wasak ka na naman galing sa inuman.

20| Lumpát

(Sinaunang Tagalog): Pag-iwan sa isang tao na sumisira sa kaayusan

Halimbawa: “Pare, lumpatan mo na yang si Chico, bad vibes sa tropa.”

21| Pangandî

Pagiging balisa ng mga pusa sa paghahanap ng kapareha

Halimbawa: “Meow-Meow, dito ka lang sa bahay at wag kang nangangandi, baka mabuntis ka!” 

22| Pangimaíyo

(Sinaunang Tagalog): Naiiwang masamang lasa sa dila pagkatapos tumikim ng pagkain

Halimbawa: “Huwag mo sasabihin kay Veron, pero ang tindi ng pangimaiyo ng kaldereta niya! Parang hindi nalinis nang mabuti.”

23| Pasináwang

(Sinaunang Tagalog): Kasiyahan sa isang okasyon

Halimbawa: “Pagkatapos ng pandemic, magpapasinawang ako nang bonggang-bongga.”

24| Púsangtápang

beautiful filipino words
Photo by Olha Povozniuk.

(Sinaunang Tagalog): Lalaki na matapang sa labanan. 

Halimbawa: Pusangtapang ka pala pre eh, ano suntukan?

25| Mingmíng

Pagsunggab sa tao na matigas ang ulo

Halimbawa: Huwag kang makulit, gusto mong mingmingin kita?

26| Walawála 

(Sinaunang Tagalog): Malumanay at magalang na pagkausap sa umiiyak upang tumahan siya.

Halimbawa:Peter Bryce, bakit umiiyak si Samantha? Walawalahin mo nga. 

27| Baní

(Sinaunang Tagalog): Paghikayat sa sinuman túngo sa masama. 

Halimbawa: Hoy, Jasper lumayo-layo ka sakin ah, alam kong babaniin mo na naman ako.

28| Balinguyngóy

beautiful filipino words
Photo by Shutterstock.

Pagtulo ng dugo mula sa ilong 

Halimbawa: Grabe yung lecture kanina, wala akong naintindihan, nabalinguyngoy ako!

29| Lungkág

(Sinaunang Tagalog): Mataba o malaki ang katawan ngunit magaan ang timbang. 

Halimbawa: "Lungkag itong nabili kong baboy sa palengke."

30| Amukì

Pang-aakit sa iba upang mapasunod sa nais. 

Halimbawa: Budol ka, inamuki mo ako kagabi!

31| Ináng-pangúman

Pangalawang asawa ng ama

Halimbawa: Shirley, ito nga pala si Marivic, ang aking inang-panguman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

32| Alingasngás

Pangyayari na nagpagalit sa madla; galit o protesta na bunga ng naturang kilos o pangyayari

Halimbawa: Matinding alingasngas ang sinapit ng vlogger dahil sa kanyang publicity stunt.

33| Uy-óy

beautiful filipino words
Photo by Shutterstock.

(Sinaunang Tagalog): Pagpapagalit sa mga aso para sumalakay

Halimbawa: Pare peace tayo, wag mo nang uy-oyan yang mga aso mo!

34| Búhos-útang

Kamag-anak, kapatid, kapamilya

Halimbawa: “Ely, ito nga pala si Raph, buhos-utang ko!”

35| Tungáyaw 

Salitang nakaiinsulto, bastos, o mapanghamak

Halimbawa: “Ang dami mong alam na tungayaw, saan mo ba napupulot iyan?”

“Sa Mobile Legends po, Mommy.”

36| Ay-ák

beautiful filipino words
Photo by Shutterstock.

(Sinaunang Tagalog): Pinaikling “Ano, bakit nandito ka?”

Halimbawa: “Ay-ak, Marites?”

37| Kalumangyó

beautiful filipino words
Photo by TimeImage Production.

(Sinaunang Tagalog): Tao na laging kasama.

Halimbawa: “Uy, kayo na ba?”

“Hindi, magkalumangyo lang kami.”

38| Kámot-pusà

(Sinaunang Tagalog): Pagmamadali sa isang gawain

Halimbawa: Kamot-pusa ako sa project dahil kahapon pa deadline nito. 

39| Kandili

(Sinaunang Tagalog): Pag-aalaga nang lubos sa anak, o sinomang mahirap o mahina. 

Halimbawa: “Mapagkandili siya sa mahuhusay ngunit mahihirap na atleta.”

40| Kánis

(Sinaunang Tagalog): Inis dahil sa paghihintay

Halimbawa: “Kanis na kanis na ako sayo, sabi mo 8:00 tayo, 11:30 na wala ka pa rin!”

41| Katábay

(Sinaunang Tagalog): Pagkukuwenta

Halimbawa: Marco, bakit laging wala kang pera? Dapat magkatabay ka ng mga gastos mo. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

42| Katbíng

(Sinaunang Tagalog): Pagputol sa tali o lubid na nagdurugtong sa dalawang bagay

Halimbawa: “Katbing na tayo! Di na kita mahal.” 

43| Katíkat

(Sinaunang Tagalog): Pagkatuyo ng tubig sa sapa

Halimbawa: Sobrang uhaw ko, parang katikat lalamunan ko. 

44| Banlís

(Sinaunang Tagalog): Bawiin ang nawala; gumanti o bumawi;  karaniwan sa pagkatálo.

Halimbawa: Dapat banlisin ng Pilipinas ang mga inangking pulo ng Tsina sa Dagat Kanlurang Pilipinas. 

45| Kíay

(Sinaunang Tagalog): Paglilipat ng pupuntahang lugar nang walang malinaw na sanhi

Halimbawa: “Ano ba naman tong Waze, pinagkikiay-kiay ako sa daan eh wala namang traffic.”

46| Kimbót

(Sinaunang Tagalog): Ang pakiramdam kapag natutukso. 

Halimbawa: “Grabe, halos hindi ko napigilan yung kimbot kanina na bilhin yung bagong sneakers!”

47|  Kinál

(Sinaunang Tagalog): Pagbilis ng tibok dahil sa matinding takot

Halimbawa: “Nanginal ako kanina bago bakunahan, hindi naman pala masakit!”

48| Kinóy

beautiful filipino words
Photo by Shutterstock.

(Sinaunang Tagalog): Malambot at yumuyugyog-yugyog

Halimbawa: “Kumikinoy ang bilbil ko at pisngi tuwing tumatawa ako.”

49| Lúkto-lúkto

(Sinaunang Tagalog): Patuloy at tila walang katapusang ginagawâ

Halimbawa: “Namuti ang mga mata ko sa lukto-luktong talumpati niya tungkol sa bayan.”

50| Kosól

(Sinaunang Tagalog): Kumembot na parang ahas

Halimbawa: “Magaling akong magkosol sa TikTok.”

More Videos You Can Watch
Latest Feed
Load More Articles
Connect With Us